Araw 16 ng 30
Maaasahan Mo ang Iyong Ama
Pagbasa ng Kasulatan
8 At ang Panginoon, ay siyang nagpapauna sa iyo; siya'y sasa iyo, hindi ka niya iiwan, ni pababayaan ka: ikaw ay huwag matatakot ni manglulupaypay.
Napakabuti ng ating Ama sa langit. Nangako Siya na hindi Niya tayo iiwan kailanman. Kasama natin Siya sa pinakamasasayang sandali ng buhay. Kasama rin natin Siya sa pinakamabibigat na bagyo ng buhay.
Naaalala ko noong ihatid ako ng Tatay ko sa altar sa araw ng kasal ko. Ang dami kong nararamdaman noon. Siguradong-sigurado ako na tama ang desisyon ko. Magkaabrisyete kaming naglakad ni Tatay. Nandoon lang si Tatay sa tabi ko.
Noong bata pa ako, naaalala ko ang isang napakalakas na bagyo ng niyebe na inabutan namin sa isa sa mga biyahe namin papuntang Grand Bank. Sarado ang mga daan sa Burin peninsula, kaya kinailangan naming bumalik pauwi. Alam mong grabe na ang daan kapag sa isang iglap ay may malaking trak sa harap mo, at sa susunod na iglap, wala na ang trak… nahulog na sa gilid ng daan. Napakahusay magmaneho ng Tatay ko. Hawak niya ang sasakyan. Sa pagkakaalala ko, wala akong kahit anong alala o takot. Nandoon lang si Tatay sa tabi ko.
Sa lahat ng iyon, nandoon ang tatay ko. Maaasahan ko siya.
Sa lahat ng bagay, nandiyan ang aking Ama. Maaasahan ko Siya.
Huwag mo iyang kalilimutan!
Pagpalain ka ng Diyos ngayong araw.
Pagninilay
Kailan mo naranasan ang pag-aalaga ng iyong Ama sa langit, sa masayang panahon man o sa mahirap? Ano ang kailangan mong ipagkatiwala sa Kanya ngayon?
Panalangin
Ama sa langit, salamat po at kasama Kita sa mga saya at bagyo ng buhay. Tulungan Mo akong alalahanin na maaasahan Kita. Anuman ang harapin ko ngayon, bigyan Mo ako ng tiwala sa Iyong tapat na pag-aalaga. Amen.