Araw 9 ng 30
Matuto sa mga Pagkakamali
Pagbasa ng Kasulatan
Ang aklat na ito ng kautusan ay huwag mahihiwalay sa iyong bibig, kundi iyong pagbubulayan araw at gabi, upang iyong masunod na gawin ang ayon sa lahat na nakasulat dito: sapagka't kung magkagayo'y iyong pagiginhawahin ang iyong lakad, at kung magkagayo'y magtatamo ka ng mabuting kawakasan.
Hindi ka nagiging bigo dahil lang nabigo ka. Kapag nabigo ka, kailangan mong suriin kung saan ka nagkamali at ayusin ang problema para hindi ka na patuloy na mabigo. Kailangan mong matuto sa mga pagkakamali mo at sikaping huwag pindutin ang repeat button!
Isa pa, naniniwala ako na mahalagang matuto rin sa mga pagkakamali ng iba. Hindi mo kailangang matuto sa mahirap na paraan – kung nakakita ka na ng taong nakagawa ng matitinding pagkakamali, hindi ka ba puwedeng matuto roon? Sa tingin ko, puwede.
Maiiwasan mo rin ang mga pagkakamali sa pagbabasa ng karunungan sa Bibliya. Punô ng karunungan ang Mga Kawikaan. Basahin ang Bibliya, pagbulay-bulayan ito at isabuhay… napakagandang paraan ito para makaiwas sa maraming problema at gulo sa buhay. Ito ang landas patungo sa maka-Diyos na tagumpay.
Puwedeng mapasaiyo ang tagumpay!
Pagpalain ka ng Diyos ngayong araw.
Pagninilay
Ano ang natutunan mo mula sa isang pagkakamali? Anong karunungan mula sa Salita ng Diyos ang makatutulong sa iyo na pumili nang iba sa susunod?
Panalangin
Ama, salamat na hindi kailangang maging pagkakakilanlan ng buhay ko ang isang kabiguan. Tulungan Mo akong matuto, tumanggap ng pagtutuwid, at gumawa ng matatalinong pasya. Turuan Mo akong isabuhay ang Iyong Salita sa halip na ulitin ang parehong mga pagkakamali. Amen.