Araw 8 ng 30
Pamana
Pagbasa ng Kasulatan
Kinakausap ni Pablo si Timoteo at sinasabi niya:
Na inaalaala ko ang pananampalatayang hindi pakunwari na nasa iyo; na namalagi muna kay Loida na iyong lelang, at kay Eunice na iyong ina; at, ako'y naniniwalang lubos, na nasa iyo rin naman.
Mahilig mamili ang lola kong si Nellie Farwell. Sa totoo lang, sa tingin ko ay sa kaniya ko namana ang hilig na iyan. Mahilig siyang mangolekta ng mga tasa at platitong porselana. Ipinamana ang mga tasang ito sa nanay ko at sa tatlo niyang kapatid na babae. Marami-rami ang hawak ng bawat isa sa kanila mula sa koleksyon.
Bilang magulang, gusto kong magpamana ng mabubuting bagay sa anak ko. Mahal na mahal ko ang mga bag at damit, pero sa tingin ko ay hindi masyadong matutuwa ang anak kong lalaki sa mga iyon. Ang gusto kong ipamana sa kaniya ay isang maka-Diyos na pamana. Gusto kong maunawaan niya kung gaano kahalaga ang magtiwala sa Diyos at mamuhay para sa Kaniya araw-araw. Kung magagawa ko iyon, naniniwala ako na magiging malaking tagumpay ang pagiging ina ko sa kaniya!
Ipasya mo sa iyong puso ngayon na maging maka-Diyos na halimbawa sa mga nasa paligid mo. Puwedeng ito ang mga apo mo, mga estudyante, mga katrabaho, pamilya, mga kaibigan. Huwag kang mamuhay nang hangal. Magpakarunong ka!
Pagpalain ka ng Diyos ngayong araw.
Pagninilay
Ano ang gusto mong ipamana sa mga tumitingala sa iyo? Paano mo maipapakita sa kanila kung ano ang ibig sabihin ng magtiwala sa Diyos?
Panalangin
Ama, salamat sa mga taong nagpakita sa akin kung ano ang pananampalataya. Tulungan Mo akong maging maka-Diyos na halimbawa sa mga tao sa paligid ko. Nawa’y palakasin ng aking mga salita at gawa ang loob ng iba na magtiwala sa Iyo at mamuhay para sa Iyo. Amen.